ABOT sa 24 sa 61 na mga barangay sa Bacolod ang amoy ng sulfur mula sa pagputok ng Bulkang Kanlaon.
Ang partikular na mga barangay ay ang Sum-ag, Taculing, Mansilingan, Villamonte, Handumanan, Felisa, Cabug, Singcang-Airport, Alijis, Bata, at Punta Taytay.
Maging ang 11, 27, 31, 38, Estefania, Mandalagan, Tangub, Montevista, Alangilan, Pahanocoy, Vista Alegre, Banago, at Granada.
Sa ulat ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), bandang alas onse ng gabi ng Lunes, Hunyo 3 nang maamoy nila ang sulfur.
Wala namang evacuation order na ini-release sa kabila nito.