China at Pilipinas, nagkasundo na labanan ang iligal na mga offshore gambling hub

China at Pilipinas, nagkasundo na labanan ang iligal na mga offshore gambling hub

MAKIKIPAG-cooperate ang China sa kampanya ng Pilipinas hinggil sa pagsugpo ng iligal na offshore gambling hubs.

Nabuo ang naturang pangako sa naging pagkikita nina Chinese Ambassador Huang Xilian at Executive Sec. Lucas Bersamin nitong July 1, 2024.

Dahil dito, makikita na layunin ng dalawang bansa ang matugunan ang problema na may kaugnayan sa transnational organized crimes.

Ang pagtutulungan na ito ay nangangahulugan rin na magkakaroon ng palitan ng expertise, intelligence sharing at ibat ibang uri ng kolaborasyon ang dalawang bansa laban sa criminal networks.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble