IPAMAMAHAGI na ng Department of Agriculture (DA) ngayong buwan ang nasa 510.447 million pesos na fuel subsidies para sa mga magsasaka.
Nasa 160-K na mga magsasaka ang benepisyaryo ng tig-tatlong libong piso.
Partikular na makatatanggap nito ang mga magsasaka na nagmamay-ari o nagrerenta ng makinarya para sa kanilang mga tanim, hayop at poultry production.
Subalit nilinaw ng DA na tanging mga magsasaka lang na narehistro sa registry system for basic sectors of agriculture ang mabibigyan ng cash aid.