Cauayan City sa Isabela, isinailalim sa GCQ bubble

Cauayan City sa Isabela, isinailalim sa GCQ bubble

ISINAILALIM sa GCQ bubble ang lungsod ng Cauayan Isabela simula noong Agosto 15 hanggang Agosto 31 taong kasalukuyan.

Ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod at sa banta ng Delta variant na naitala sa karatig bayan.

Kasunod nito, nagpatupad si Cauayan City Mayor Bernard Dy ng mahigpit na quarantine restrictions upang maiwasan pa ang paglobo ng kaso ng COVID-19.

Kabilang dito ang paghihigpit sa border control kung saan kailangang magpresinta ng RT-PCR negative test result ang bawat papasok sa lungsod.

Suspendido din ang domestic flight at nagpatupad ng number coding kung saan papayagan lamang ang mga sasakyan na makapagbiyahe sa kanilang itinakdang araw.

Nagpatupad din ng liquor ban, at pagbabawal sa mass gatherings, habang 10% lamang ang pinapayagan para sa religious gatherings.

Pinahihintulutan lamang ang establisyemento na mag-operate hanggang alas 7 ng gabi at pinapayagan lamang ang take-out para sa mga food establishments.

Base rin sa kautusan na ipinalabas ng alkalde, limitado lamang ang kilos ng mga residente sa pagbili ng essential goods, at trabaho sa mga tanggapan at industriya sa panahon ng GCQ bubble.

(BASAHIN: Mga pamilyang nawalan ng bahay dahil sa landslide napagkalooban ng lupa sa Isabela)

SMNI NEWS