Pagtitipon ng PDP-Laban bukas, hindi magiging super-spreader event

Pagtitipon ng PDP-Laban bukas, hindi magiging super-spreader event

HINDI magiging super-spreader event ang pagtitipon ng PDP-Laban bukas, Setyembre 8.

Tiniyak ito ni Department of the Interior and Local Government (DILG) spokesperson at PDP-Laban Public Information Chairperson Jonathan Malaya.

Aniya, maaari namang isagawa ang gatherings hanggang 50% ng venue sa mga lugar na naka-GCQ.

Kaugnay dito, saad ni Party President Sec. Alfonso Cusi, inilipat na nila ang venue sa Pampanga dahil GCQ ito at ang Bulacan, na syang unang location ay isinailalim sa MECQ.

Ipatutupad naman ng PDP-Laban sa naturang pagtitipon ang panuntunan gaya ng na fully-vaccinated na mga miyembro lang ang pisikal na maka-attend habang virtual na lang dadalo ang ibang hindi pa nabakunahan o hindi pa nakakumpleto.

Kinakailangan ring magkaroon ang mga ito ng negative RT-PCR test kahit pa fully-vaccinated.

Magsasagawa rin sila ng on-site antigen testing batay sa inilabas na announcement ng PDP-Laban.

SMNI NEWS