Isang POGO Hub na inirereklamo ng labor trafficking, sinalakay ng mga awtoridad sa Bataan

Isang POGO Hub na inirereklamo ng labor trafficking, sinalakay ng mga awtoridad sa Bataan

Sa bisa ng search warrant, sinalakay ng pinagsanib na pwersa ng Presidential Anti Organized Crime Commission, PNP-ACG, CIDG, Bureau of Immigration at NBI ang isang POGO Hub sa Brgy. Cabog Cabog, Bagac Bataan

Ayon kay PAOCC Spokesperson Winston Casio, isang Malaysian company ang nagpapatakbo ng operasyon.

Nakatanggap umano ang PAOCC ng kabi kabilang reklamo mula sa ilang Pilipinong empleyado na biktima umano sila ng labor trafficking.

Bukod sa mga Pinoy, mayroon ding mga dayuhan ang sinasbaing biktima ng labor trafficking

Ayon sa opisyal, kontrolado umano ng pamunuan ng Centro Park ang kilos ng mga empleyado.

Bukod sa malayo ito sa kabahayan, hindi raw makalabas ng basta basta ang mga empleyado.

Napag-alaman na wala ring kaukulang permit ang operasyon ng POGO mula sa PAGCOR.

Nasa 300 hanggang 600 na Pinoy workers ang nagtatrabaho sa loob habang nasa 200-300 naman na dayuhan ang ilan pa sa mga empleyado rito na kinabibilangan ng Malaysian, Thais, Indonesian at Chinese.

Ipinalalabas lamang daw ito na BPO Services ang serbisyo ng POGO ngunit batay sa impormasyon, karamihan sa operasyon nito ay Scamming, Sports Betting, Love Scam, Cryptocurrency, Investment Scam kasama rin ang reklamong human trafficking.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter