VP Sara Duterte binisita ang Salcedo Vocational High School sa Eastern Samar

VP Sara Duterte binisita ang Salcedo Vocational High School sa Eastern Samar

BINISITA ni Vice President Sara Duterte ang Salcedo Vocational High School sa Salcedo, Eastern Samar noong mga nakaraang buwan.

Layunin ng mga ginagawang pagbisita sa mga eskwelahan ay upang makausap ang mga guro at mga mag-aaral na isa sa mga kinasasabikan aniya ni VP Sara na gawin noong siya ay nanunungkulan pa bilang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon.

Muli naming pinasalamatan ng bise presidente ang mga guro sa kanilang serbisyo para sa mga mag-aaral na Pilipino at sa kanilang suporta noong siya ay nasa Department of Education.

Binigyang diin rin nito ang kahalagahan ng pag-aaral sa buhay ng bawat pamilyang Pilipino.

Muli ay hinikayat ni VP Sara ang mga kabataan na pagbutihin at tapusin ang pag-aaral dahil ito ang makapagbabago ng kanilang buhay.

 

Editor’s Note: This article has been sourced from the Inday Sara Duterte Facebook Page.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble