IPINAHAYAG ni Sen. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na ang ang pagmamahal ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa bansa ang dapat maging standard ng lahat ng Pilipino.
“Ang pagmamahal na ipinakita ni Pangulong Duterte sa ating bansa, ‘yan dapat ang maging standard nating lahat ng Pilipino—’yan ang ating tularan. At kung ang ating pinipiling mga senador at kongresista ay malayo sa standard na ganoon, ay siguro tayo na rin ang masisisi diyan.
Hindi sa bias ako, porke’t malapit ako kay Pangulong Duterte, pero nakita ng buong sambayanang Pilipino kung paano siya magmahal sa ating bansa,” pahayag ni Sen. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa.