IBINIDA ng ilang Filipino-Chinese ang kahalagahan ng pagdiriwang ng Chinese New Year.
Abala ngayon ang lahat ng China Town sa buong Pilipinas para sa kanilang paghahanda para sa tinatawag na Chinese Spring Festival na nagsisilbing tanda ng pagsisimula ng Lunar New Year.
Ang Lunar New Year, o kilala sa atin bilang Chinese New Year, ay isang makulay at masayang pagdiriwang na pinagmumulan ng kaligayahan at pag-asa para sa mga pamilya at komunidad.
Bagamat ito ay isang tradisyon na mas kilala sa mga Tsino, ito ay unti-unting nakikilala at ipinagdidiriwang na rin sa iba’t ibang bahagi ng mundo, kabilang na ang Pilipinas dahil sa dami na rin ng mga Filipino-Chinese na naninirahan dito.
Sa ating bansa, ang Lunar New Year ay hindi lang isang okasyon ng kasiyahan, kundi isa na ring mahalagang pagkakataon para mapagtibay ang ugnayan ng pamilya at komunidad.
Ngayong taon, ang Chinese New Year, o ang Taon ng Wood Snake, ay magsisimula sa Enero 29.
Kaugnay rito, sa isang forum na ginawa ng Asian Century Philippines Strategic Studies Institute (ACPSSI), sinabi ni Guanghan Liang, Chinese director ng Confucius Institute sa Ateneo de Manila University, na ang Chinese Spring Festival ay kinilala ng United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization (UNESCO) bilang bahagi ng Representative List of the Intangible Cultural Heritage of Humanity.
“This recognition not only honors Chinese cultural heritage but also underscores the shared roots and interconnected destinies of Asian nations,” ayon kay Guanghan Liang.
Para naman kay Joaquin Sy, presidente ng Kaisa Para sa Kaunlaran, natutuwa sila na kinikilala ng buong mundo at ng mga Pilipino ang Chinese Spring Festival, ngunit bilang isang Filipino-Chinese, nais niya ikonsidera ang Chinese New Year bilang isang official holiday dahil sa kontribyusyon ng mga Chinese sa ating bansa lalo na pagdating sa ekonomiya.
“It’s good enough that we have Spring Festival as a special non-working holiday because whatever kind of holiday, Filipinos celebrate it. But as a Chinoy, I personally think that the Spring Festival should be considered as an official holiday in the Philippines for several reasons. As we look at Philippine history, we see the very significant role played by local ethnic Chinese because when we talk about the local Chinese, we always emphasize the contribution in the economic development,” saad naman ni Joaquin Sy.
Ayon naman kay ACPSSI President Herman “Ka Mentong” Laurel, ang naturang pista ay may mahalagang papel sa pagpapanatili ng kultura, kapayapaan, at kaunlaran sa buong Asya.
“Asian culture, with its emphasis on harmony and peace, offers valuable lessons to a world in search of unity. The UNESCO recognition of the Spring Festival is a milestone that invites us to celebrate our shared heritage and work toward a culture of peace and prosperity,” wika ni Herman “Ka Mentong” Laurel, President, ACPSSI.
Kaya nilinaw rin ni Ka Mentong na hindi inaaway ng mga Filipino-Chinese ang mga bansang nasa kanluran dahil base na rin aniya sa kasaysayan, walang ibang layunin ang mga Tsino sa kabuuan kundi ang itaguyod ang kaunlaran.
“Para sa Asian Century, a forever peace and prosperity, I would consider our conversation today is bring about 500 peace and prosperity for humanity in the world. Hindi natin inaaway ang kanluran,” ani Ka Mentong.
Binigyang diin ng mga nabanggit na Filipino-Chinese na ang Lunar New Year ay hindi lamang tungkol sa mga Tsino. Ito ay isang pagkakataon para sa mga Pilipino para ipagdiwang ang pagiging bukas at maligaya.