Local candidates mula Davao Region, suportado ang kandidatura ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa pagka-senador

Local candidates mula Davao Region, suportado ang kandidatura ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa pagka-senador

NAGPAHAYAG ng kanilang suporta ang ilang mga kandidato sa lokal na posisyon sa iba’t ibang bayan at siyudad sa Davao Region sa kandidatura ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa pagka-senador.

Mainit ang naging pagtanggap ng mga taga-suporta ni senatorial candidate Pastor Apollo sa isinagawang proclamation rally noong Martes, Pebrero 11, sa Tagum City.

Umapaw ang lugar ng aktibidad kung saan nangingibabaw ang kulay lila na suot ng mga taga-suporta, bitbit ang mga plakard na may numerong 53—ang numero ni Pastor Quiboloy sa balota.

Bagamat sa Tagum City ginanap ang rally, dumalo rin ang mga taga-suporta mula Panabo City, Kapalong, Asuncion, at Carmen sa Davao del Norte, pati na rin mula sa iba’t ibang bayan at siyudad ng Davao de Oro at Davao Oriental.

Kabilang sa mga dumalo ang mga lokal na kandidato na nagpahayag ng suporta sa kandidatura ni Pastor Quiboloy, dahil naniniwala sila sa kaniyang kakayahan at plataporma, partikular sa laban kontra korapsiyon, ilegal na droga, at makakaliwang grupo.

Ayon kay Cesar Cuntapay, tumatakbong kongresista sa unang distrito ng Davao del Norte, sapat na ang katangian ni Pastor Quiboloy upang maluklok sa Senado.

Para naman kay Ana Dujali, na tumatakbo ring kongresista para sa ikalawang distrito ng Davao del Norte, kaya niyang gawing First-World country ang Pilipinas.

Si Audrie Perez, na tumatakbong board member sa Davao del Norte, ay suportado rin ang plataporma ng Butihing Pastor laban sa korapsiyon.

Samantala, ang mga tumatakbong konsehal sa bayan ng Sto. Tomas at Tagum City sa Davao del Norte, pati sa bayan ng Montevista sa Davao de Oro, ay nagbahagi rin ng kanilang dahilan sa pagsuporta sa kandidatura ni Pastor Apollo.

Naniniwala naman ang kaniyang mga taga-suporta na mas marami pang magagawa si Pastor Apollo kung maluluklok sa Senado.

“Totoo ‘yan kasi tumutulong talaga siya kahit hindi pa siya tumatakbo bilang senador, pero marami na siyang natulungan,” wika ng isang taga-suporta.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble