PANALO ang Creamline Cool Smashers sa laban nila kontra Galeries Tower Highrisers nitong Huwebes, Pebrero 20, 2025 sa iskor na 25-15, 26-24, 25-19.
Nag-ambag ng 18 points si Tots Carlos para sa Cool Smashers habang 16 points ang mula kay Alyssa Valdez.
Ang Creamline at Petro Gazz ay pawang may 10 wins at 1 loss sa kasalukuyan.
Sila rin ang dalawang nangungunang teams sa nagpapatuloy na 2024-25 PVL All-Filipino Conference.