IKINOKONSIDERANG pangalawa sa best egg dishes sa buong mundo ang eggplant omelet o Tortang Talong ng bansa batay sa food and restaurant guide na TasteAtlas.
Sa naturang guide ay nakakuha ito ng 4.4 mula sa 5 perfect stars.
Kasunod ito ng Japanese egg dish na Ajitsuke Tamago na nakakuha rin ng 4.4 stars.
Maliban sa Tortang Talong ay nasa Rank No. 51 naman ang torta, isa pang Pinoy dish matapos nakakuha ng 3.9 stars.
Samantala, ang Bangsilog ay nasa Rank No. 65; Chicksilog na nasa Rank No. 66; at Daingsilog na nasa Rank No. 67 kung saan ang tatlong nabanggit ay nakakuha ng 3.8 stars.
Ang street food na Tokneneng naman ay nasa Rank No. 89 matapos nakakuha ng 3.5 stars.
Follow SMNI News on Rumble