‘Sakripisyo’, wala sa ibang mga politiko—vlogger

‘Sakripisyo’, wala sa ibang mga politiko—vlogger

WALANG sakripisyo ang ibang mga politiko sa kasalukuyan.

Ito ang nakikitang rason ng vlogger at ‘Banateros’ anchor na si Coach Oli kung bakit nananatiling paborito at mahal ng mga tao ang mga Duterte.

Ang mga Duterte aniya lalong-lalo na si dating Pangulong Rodrigo Duterte, makikita na kahit manatili silang mahirap basta uunlad ang kanilang nasasakupan ay magpapatuloy silang tapat sa kanilang pagbibigay serbisyo.

Dagdag pa ng vlogger, puro gawa ang mga Duterte at hindi hanggang sa salita lamang.

Kung ikukumpara sa ibang politiko, masasabi ani Coach Oli na mas pinipili pa ng mga ito na manglustay ng pera mula sa kaban ng bayan kumpara sa pagbibigay ng kaunlaran sa kapwa Pilipino.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter