SA Game 1 ng best-of-seven semis noong Marso 2, 2025, nanaig ang Rain or Shine Elasto Painters laban sa TNT Tropang Giga, 103-98.
Para sa panalo ng Elasto Painters, umiskor si Deon Thompson ng 19 points, Caelan Tiongson ng 18 points, Adrian Nocum ng 16 points, at Anton Asistio ng 12 points.
Samantala, sa sumunod na laro, nagwagi ang Barangay Ginebra San Miguel kontra NorthPort Batang Pier, 127-100.
Nanguna si Jamie Malonzo na may 25 points, sinundan nina Justin Brownlee (22 points), Japeth Aguilar (17 points), Scottie Thompson (15 points), at RJ Abarrientos at Troy Rosario na may tig-10 points.