SINIRA ng Bureau of Internal Revenue (BIR)-Region 10 ang mga smuggled na sigarilyo sa Northern Mindanao na may halagang P156M.
Ang naturang hakbang ay bahagi ng malawakang kampanya laban sa tax evasion at pagpapakita ng kanilang pagtutok sa pagpapatupad ng batas sa buwis.
Sa ulat, nakumpiska ang mga kontrabandong sigarilyo mula Enero hanggang unang bahagi ng Marso sa tulong ng Police Regional Office-10.
Sa naturang halaga, ang P6.8M ay narekober sa Brgy. Piraka, Sultan Naga Dimaporo, Lanao del Norte noong Marso 19, 2025.
Follow SMNI News on Rumble