2 indibidwal arestado sa mahigit P20M halaga ng puslt na sigarilyo sa Mandaue City

2 indibidwal arestado sa mahigit P20M halaga ng puslt na sigarilyo sa Mandaue City

ARESTADO ang 2 indibidwal kasunod ng ikinasang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Police Regional Office (PRO) 7 at Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa kahon-kahong pekeng sigarilyo na ilegal na ipinupuslit sa bansa.

Sa ulat ni Police Regional Office 7 Director PBGen. Redrico Maranan sa Kampo Crame, isang tip ang nakarating sa tanggapan nito kaugnay sa nasabing ilegal na aktibidad.

Sa gitna ng operasyon, nasa 334 master cases at mahigit 167,700 pakete ng iba’t ibang brand ng sigarilyo, gayundin ang 5 karagdagang kahon na naglalaman ng 2,500 pakete ng sigarilyo na ibinebenta sa merkado sa halagang P6 kada piraso, ang nasamsam.

Nagkakahalaga ang mga ito ng mahigit P20M, habang nahaharap naman sa kasong paglabag sa Republic Act 10963 o Customs Modernization and Tariff Act ang mga suspek.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble