NAKAALIS na ng Pilipinas si Rondae Hollis-Jefferson ng TNT Tropang Giga.
Sa pahayag ng kanilang team manager na si Jojo Lastimosa, ay babalik lang din ito sa Hunyo para sumali sa training kasama ang TNT.
Sa kaniyang pag-uwi, nabigyang linaw rin na hindi groin injury ang iniinda niya at isa lang itong abdominal contusion.
Sa kabila ng nararanasang sakit, hindi naman iniwan ni RHJ ang koponan at naglaro pa rin ito hanggang Game 7 noong Marso 28 kung saan nanalo ang TNT sa iskor na 87-83 kontra Brgy. Ginebra San Miguel.
Sila pa nga ang naging kampeon sa 49th season ng PBA Commissioner’s Cup.