WALANG takot ang mga supporter ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa pagpapakita ng mainit na suporta para sa kaniyang kandidatura sa May 12 Midterm Election.
Naniniwala sila na walang kasalanan si Pastor Quiboloy at walang katotohanan ang mga akusasyon sa kaniya sa ilalim ng Marcos Administration. Tiwala din anila sila na uunlad ang buhay nila sa mga programang isusulong nito.
Hindi miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) si Manong Fidel pero isa siyang masugid na televiewer. Ayon sa kaniya, nagpabago sa buhay niya ang pangangaral ni Pastor, at ngayon na nalaman niyang tumatakbo si Pastor, numero unong susuportahan niya ito sa Mayo 12.
Kahit may kahirapan sa paglakad, isa siya sa nakiisa sa simultaneous campaign rally ng Duterte Senatorial Slate sa bahagi ng Nueva Vizcaya.
“Alam mo kay Pastor Quiboloy, diyan ako nagbago..driver di ba, sigarilyo, alak. Pastor, nagbago ako dahil sa inyo. Sir sana manalo kayo, number one. Pastor number one,” ayon kay Fidel Carcera, Supporter ni Senatorial Candidate Pastor Quiboloy.
Suportado naman ng iba dahil naniniwala silang gaya ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, marami ring magagawa si Pastor Quiboloy upang mapabuti ang kanilang buhay.
“Iboto ko talaga si Pastor. PWD ako,” ayon kay Catherine, PDP Laban Senatorial Slate Supporter.
“Ako mam, lider din ako ng simbahan. Gusto ko ang patakaran ni Pastor. Straight lang kami,” ayon kay Jun, PDP Laban Senatorial Slate Supporter.
Sa kabila ng mga akusasyon at sitwasyon ni Pastor, hindi ito magiging hadlang para sa kanilang suporta sa kanya sa halalan.
“Yong mga accusation. Hindi totoo ang accusation,” ayon kay Gladys, PDP Laban Senatorial Slate Supporter.
“Naniniwala naman ako na walang kasalanan. Walang makakabali kay Rodrigo Duterte,” wika ni Marlon, PDP Laban Senatorial Slate Supporter.
Maliban kay Pastor Quiboloy, hindi rin mawawala sa kanilang listahan ang iba pang pambato ni dating Pangulong Duterte.
Follow SMNI News on Rumble