PHILIPPINES | Abril 22, 2025 – Sinimulan na ngayong araw ng Commission on Elections (COMELEC) ang deployment ng mga opisyal na balota para sa nalalapit na midterm elections, bilang bahagi ng kanilang paghahanda para sa halalan.
Ayon sa ahensya, layunin ng maagang deployment na matiyak ang maayos, ligtas, at on-time na distribusyon ng election materials sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Hinihikayat ng COMELEC ang political parties, candidates, civil society groups, at iba pang stakeholders na saksihan ang deployment process upang masiguro ang transparency at integridad ng eleksyon.
Natapos ng COMELEC ang pag-iimprenta ng mahigit 68 milyong balota noon pang Marso 2025, ngunit naantala ang proseso noong Enero dahil sa mga temporary restraining orders (TRO) na inilabas ng Korte Suprema kaugnay ng mga kasong diskwalipikasyon laban sa ilang kandidato.
Ayon sa COMELEC, natugunan na ang mga legal na hadlang, kaya’t tuloy-tuloy na ang paghahanda para sa halalan.
Follow SMNI News on Rumble