Prosecution team ng ICC binigyan hanggang Hulyo para ilabas ang ebidensiya vs FPRRD

Prosecution team ng ICC binigyan hanggang Hulyo para ilabas ang ebidensiya vs FPRRD

BINIGYAN ng hanggang Hulyo 1, 2025 ang prosecutor ng International Criminal Court (ICC) upang makumpleto ang paglalantad ng ebidensiyang gagamitin sa muling pagdinig kaugnay sa mga kasong crimes against humanity ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sa isang 20-page order na inilabas noong Abril 17, binigyang-diin ng ICC Pre-Trial Chamber I ang pangangailangang agad maisakatuparan ng prosekusyon ang kanilang tungkulin upang magkaroon ng sapat na panahon ang defense team ni FPRRD na maghanda para sa kumpirmasyon ng mga kaso.

Sa pahayag ni ICC Spokesperson Fadi El Abdallah, ayon sa karapatan ng nasasakdal, dapat siyang mabigyan ng kopya ng mga ebidensiyang balak gamitin ng taga-usig sa pagdinig ng kumpirmasyon ng mga kaso.

Ang sunod na hearing hinggil sa kasong kinakaharap ni FPRRD sa ICC ay nakatakda sa Setyembre 23.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble