Sand-dredging ops sa Occ. Mindoro pinatigil muna

Sand-dredging ops sa Occ. Mindoro pinatigil muna

PANSAMANTALANG pinahinto ng local government ng Occidental Mindoro ang sand-dredging operations sa karagatan ng Rizal.

Sa isang one-page order, ipinag-utos ni Occidental Mindoro Gov. Eduardo Gadiano na itigil na muna ng Bluemax Tradelink Inc. ang kanilang dredging operations sa loob ng river dredging zone sa Brgy. Malawaan.

Ito’y para bigyang-daan ang search and rescue operations ng Philippine Coast Guard sa tumaob na MV Hong Hai 16 doon.

Ang MV Hong Hai 16 ay ang barkong tumaob sa karagatan ng Occidental Mindoro noong Abril 15.

Sa kabuuan, siyam na ang kumpirmadong nasawi habang dalawa pang tripulante ng sand carrier ang patuloy na nawawala.

May 25 Pinoy at Chinese na tripulante ang sakay ng barko nang ito ay tumaob sa Brgy. Malawaan sa Occidental Mindoro.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble