Nanguna sa isang local survey ng isang prestihiyosong unibersidad sa Butuan City, Agusan del Norte —ang DuterTen Senate Slate.
Sa official Facebook post ng FSUU Research and Publication ng Father Saturnino Urios University, number one sa senatoriables na iboboto ng mga taga-Butuan si Senator Bong Go na may 60.85%.
Sinundan ito ni Senator Bato Dela Rosa na may 58.37%, habang pumangatlo si Congressman Rodante Marcoleta na may 32.09%.
Pang-apat sa listahan si Atty. Jimmy Bondoc na may 18.58%, at nasa panglimang pwesto naman si Philip Salvador na may 17.12%.
Pasok din sa top 6 si Pastor Apollo C. Quiboloy na may 15.78%, habang si Atty. Vic Rodriguez ay nasa ikapitong pwesto na may 12.44%.
Pumwesto naman sa pang-walo hanggang pang-sampu ang mga pambato ng administrasyon sa ilalim ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas.
Samantala, halo-halo ang political leanings ng mga nasa pang-onse hanggang pang-kinse sa survey.
Umabot sa 4,500 residente mula sa 86 barangay ng Butuan City ang lumahok sa survey.
Layon ng local survey na matukoy ang pulso ng general population ng siyudad kaugnay sa nalalapit na halalan.
Isinagawa ang survey mula April 9 hanggang 16, 2025.
Sa darating na May 3, nakatakdang tumungo ang buong DuterTen Senate Slate sa Butuan City para sa isang grand campaign rally sa buong Caraga Region.
‘’Kaya vote straight PDP-Laban. Bakit po straight PDP-Laban? Para tuloy-tuloy po ang aming mga adbokasiya, walang kokontra, walang kakalaban. Kami pong lahat nagkakaisa riyan. Pagkatapos siguridad pa rin ito ng ating Vice President na pinag-initan ng mabuti,’’ ayon kay Pastor Apollo C. Quiboloy, Duterte Senate Slate.
Kaya wala pong magmamaliw, straight po tayo, huwag na po kayong lumingon pa sa iba. Straight tayo. Kung mahal ninyo si Vice President Sara Duterte, straight po ang ating pagboto.