Vice mayoral candidate sa Nueva Ecija pinagpapaliwanag ng COMELEC dahil sa labeling, akusasyon sa kampanya

Vice mayoral candidate sa Nueva Ecija pinagpapaliwanag ng COMELEC dahil sa labeling, akusasyon sa kampanya

KASABAY ng init ng kampanya—tila hindi napipigilan ng ilang kandidato na malihis sa kanilang pangangampanya.

Imbes kasi na plataporma ang ibida—ang mga ‘di kanais-nais na side comments ang naibabandera.

Dumagdag na sa listahan ng mga pinagpapaliwanag ng COMELEC Task Force SAFE sa Cabiao, Nueva Ecija Mayor Ramil Rivera na tumatakbo sa pagka-bise alkalde sa lugar.

Ang reklamo laban kanya—labeling. Inaakusahan umano kasi niya ang mga kalaban niya sa politika.

Base sa panuntunan ng COMELEC sa kampanya, bawal ang labeling o ang pag-aakusa sa mga indibidwal o mga organisasyon na sila ay mga komunista, terorista, o kaya sila ay kabilang sa criminal o syndicate group.

Maliban diyan—tinawag niya ring “supot” ang kaniyang mga katunggali.

“Itong aking kuya na ito, galit sa supot ito. Baka may mga supot diiyan delikado kayo dito,” ani Cabiao, Nueva Ecija Mayor Ramil Rivera, tumatakbo sa pagka-bise alkalde.

May tatlong araw si Rivera para magpaliwanag o sumagot sa show cause order kung bakit hindi siya dapat mapatawan ng disqualification at election offense sa kaniyang mga nasabi sa kampanya na posibleng paglabag sa Anti-Discrimination and Fair Campaigning Guidelines at sa Safe Spaces Act.

Pasig City congressional bet Christian Sia, pinadalhan na ng summons para sa DQ case laban sa kaniya

Si Pasig City congressional candidate Christian Sia ay may limang araw para sumagot sa disqualification case laban sa kaniya.

Ito ay matapos magpalabas ang COMELEC 2nd Division ng summon para sa naturang kandidato.

Matatandaang pinadidiskwalipika ito ng Task Force SAFE dahil sa kaniyang siping joke sa mga single mother at body shaming sa kampanya.

Camille Villar, pagpapaliwanagin ng COMELEC dahil sa isyu ng vote-buying

Padadalhan ng COMELEC ng show cause order si Senatorial bet Camille Villar dahil sa isyu ng vote-buying.

Ayon kay COMELEC Executive Director Teofisto Elnas, pagpapaliwanagin ng Committee on Kontra-Bigay ang kandidato dahil sa isang Facebook video kung saan makikita ito sa isang event kung saan may mga pa-raffle ang mga lokal na kandidato.

Pebrero 16 umano nai-post ang video at kahapon lang naipaalam sa komisyon.

Hindi naman umano malinaw kung namigay ang kandidato ng pera pero dapat umano itong siyasatin lalo pa’t nakita roon si Villar.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble