IU No. 1 sa 2025 Forbes Korea Power Celebrity 40 List

IU No. 1 sa 2025 Forbes Korea Power Celebrity 40 List

NAG-number 1 si Korean singer-actress na si IU sa 2025 Forbes Korea Power Celebrity 40 List.

Ayon sa nasabing magazine, tinatayang umabot sa humigit-kumulang 32B won o P1.25B ang kabuuang taunang kinikita ni IU mula sa pagkanta, pagtatanghal, pagganap sa mga teleserye, at mga patalastas nito.

Nangunguna nga rin si IU at talaga namang nagmarka siya sa mga media exposure, social media presence, broadcasting, at pagtanggap ng iba’t ibang parangal at pagkilala.

Katatapos lang ni IU sa kaniyang matagumpay na ‘Hereh World Tour’, na nagsimula sa Seoul noong Marso 2, 2024, at nagtapos sa parehong lugar noong Setyembre 22 sa parehong taon. Ang nasabing tour ay umikot sa Asia, North America, at Europe.

Matatandaan na noong Marso 2021, ni-release ni IU ang kaniyang pinakabagong album na ‘Lilac’, at nakatanggap naman ito ng platinum certification mula sa Korea Music Content Association.

Ngayong taon, gumanap din siya sa isang global hit Netflix series na ‘When Life Gives You Tangerines’ kung saan ginampanan niya ang mga papel ni Ae-Sun at Geum-Myeong sa K-drama.

Sa isang panayam sa Netflix kamakailan, ibinahagi ni IU na ang emosyonal na lalim at kakaibang estruktura ng kuwento ang mga pangunahing dahilan kung bakit niya tinanggap ang proyekto.

Dagdag pa niya, ang talagang nagtulak sa kanya na tanggapin ang nasabing role ay dahil makakatrabaho niya si Park Bo-gum bilang katambal.

Sinabi rin ni IU, hindi lang naman sa romansa umiikot ang mga kuwento, kundi sa mas malalim na koneksiyon sa pagitan ng mga tao at ang kahalagahan ng malasakit sa isa’t isa.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble