NAGPAPATULOY ang unang araw ng “National Vaccination Day” sa Araneta Coliseum sa Cubao na isa sa mga vaccination site ng lokal na pamahalaan ng Quezon City.
Target nito na mabakunahan ang mahigit sampung libong indibidwal mula sa iba’t ibang barangay ng lungsod.
Bakunang Astrazenca ang gagamiting brand ng COVID-19 vaccine para sa mga 1st at 2nd dose at booster shot.
Mahigpit na ipinagbabawal ang walk-ins upang maiwasan ang pagkumpol-kumpol ng tao.
Patuloy na pinaalalahanan ng management ng Araneta Coliseum ang mga vaccinee na panatilihin ang pagsunod sa minimum health protocol partikular na ang social distancing.