TUTUKAN ng BBM-Sara tandem ang paglaban sa malnutrition sa bansa.
Ito’y sakaling papalarin silang dalawa sa 2022 elections ayon sa BBM-Sara Uniteam.
Ayon pa sa nasabing uniteam, panglima ang Pilipinas sa may mataas na malnutrition sa East Asia and Pacific area.
Kasama rin sa sampung mga bansa sa mundo na napipigilan ang wastong paglaki ng mga bata.
Dahil dito, naniniwala umano ang BBM-Sara tandem na dapat itong tutukan lalo pa’t nanalasa parin ang pandemya na syang kasalukuyang dahilan nito.
Batay sa survey ng social weather stations noong September 2020, matapos ang pitong buwan ng community quarantine, 31% dito ay nakararanas ng kagutuman sa nagdaang tatlumpung araw.
9% naman ang nakararanas ng malalang kagutuman, bagay na pinakamataas sa loob ng dalawampung taon.