TINANGGAL sa kaniyang posisyon ang isang mataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ito’y matapos maghain laban sa kaniya ang dalawang junior officers dahil sa umano’y maling gawain.
Sa pahayag ng AFP, sapat ang ebidensiya upang isulong ang legal na aksiyon laban sa naturang opisyal.
Tiniyak naman ng AFP na ligtas at protektado ang mga nagreklamo laban sa anumang uri ng pananakot at hindi makatarungang impluwensiya sa buong proseso.