Multi Role Response Vessel ng Philippine Coast Guard, nagsagawa na ng sea trial sa Japan

NAGSAGAWA na ng kauna-unahang sea trial sa Japan ang Multi Role Response Vessel ng Philippine Coast Guard (PCG).

Na bahagi ng paghahanda, tatlong buwan ito dumating sa Pilipinas.

Nakaalis na sa Mitsubishi Shimonoseki Shipyard ang isa sa dalawang 97-meter Multi Role Response Vessel (MRRV) BRP Teresa Magbanua (9701) ng Philippine Coast Guard.

Sasailalim ito sa unang sea trial sa bansang Japan bago ito i-deliver sa Pilipinas.

Oras na dumating na ito sa bansa, ito ang magiging pinakamalaking fleet ng Philippine Coast Guard.

Ayon sa Department of Transportation, nakatakdang dumating ang unang 97 MRRV PCG Cutter (9701) BRP Teresa Magbanua sa buwan ng Abril habang ang PCG Cutter (9702) BRP Melchora Aquino (Tandang Sora) ay inaasahang darating sa buwan ng Hulyo sa susunod na taon.

Una nang inilunsad noong November 18, 2021 ang kunigami class ship PCG Cutter (9701) BRP Teresa Magbanua sa Shimonoseki Shipyard bilang paghahanda sa paglalayag nito sa Japan.

SMNI NEWS