P63M na unregistered vape products nasabat sa 3 magkahiwalay na operasyon

P63M na unregistered vape products nasabat sa 3 magkahiwalay na operasyon

AABOT sa P63M na unregistered vape products ang nasabat ng mga awtoridad sa magkahiwalay na operasyon sa iba’t ibang lugar kamakailan.

Batay ito sa ulat ng National Bureau of Investigation (NBI).

Noong Mayo 8, nasamsam ng NBI ang 85,200 piraso ng salt-nicotine-based vape products sa isang bodega sa Marilao, Bulacan.

Isinagawa ang follow-up operation noong Mayo 21 sa Parañaque kung saan nakumpiska naman ang 25,000 unregistered vape items.

Singaporean at Thai nationals ang naaresto mula sa lugar samantala, noong Mayo 26, inaresto rin ng NBI ang tatlo pang suspek sa pasay.

Dito, ibinunyag ng isa sa mga suspek ang lokasyon ng isang imbakan sa Parañaque kung saan narekober ang 72,000 na karagdagang unregistered vape products.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble