VP Sara: Lagay ng Pilipinas ‘di gaganda sa ilalim ni PNP Chief Torre

VP Sara: Lagay ng Pilipinas ‘di gaganda sa ilalim ni PNP Chief Torre

TUMAWA lang si Vice President Sara Duterte nang una siyang tanungin patungkol sa pagkakatalaga kay Gen. Nicolas Torre bilang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP).

Pero nang ibato sa kaniya ang parehong tanong sa ikalawang pagkakataon—matindi na ang naging sagot ng Pangalawang Pangulo hinggil sa magiging epekto ng bagong liderato ng pulisya sa bansa.

“Well I don’t think na maging mas maayos o maganda ang ating bansa,” saad ni Vice President Sara Duterte.

Ipinunto ni VP Sara na ang mismong proseso ng pagtatalaga kay Torre ay puno ng tanong at pagdududa mula pa lamang sa simula na tila pag-uulit sa mga desisyong may bahid ng anomalya, gaya aniya ng pagkakapili noon ng isang kongresistang may kinakaharap na bribery case bilang House Speaker.

“Doon pa lang tayo no sa pagpili ng Speaker ng House of Representatives na noon ko pa sinabi na bakit ka naman pipili ng Speaker of The House of Representatives na implicated in a bribery case on record in the case in United States. ‘Yun pa lang kaduda-duda na eh. ‘Pag alam mo kaagad na ganoon, hindi mo susuportahan niyan sa Speaker of The House of Representatives,” dagdag pa ng Bise Presidente.

VP Sara: Pagkakatalaga kay Torre bilang PNP chief, kaduda-duda

Giit ni VP Sara—lalong tumindi ang duda nang italaga si Torre sa pinakamataas na posisyon sa PNP, sa kabila ng naging findings ng Senado na nagsasabing lumabag ang opisyal sa batas sa ginawa nitong pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“In the same way na mayroong recent findings ang Senate sa violations of law of this police officer, bakit mo namang gagawing Chief of Police? Masyadong sketchy ‘yung desisyon,” giit nito.

Mayor Baste: Torre, isa lamang ‘attack dog’ ng administrasyon

Samantala, mas matapang naman ang naging pahayag ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte, na sinabing si Torre ay malinaw na ginagamit lang ng Malacañang para sa pansarili nitong interes.

“I would admire this person (Torre) if he did everything with due process. Technically, if you talk about the case, or review what happened—what transpired during that time, ‘yung ginawa kay FPRRD, with KOJC, and lahat—he was only handpicked there by the administration because he is an attack dog, nothing more than that,” ayon kay Mayor Sebastian Duterte, Davao City.

Matatandaang si Torre ang nanguna sa ilegal at marahas na pagkubkob sa mga religious compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC), sa layuning arestuhin si Pastor Apollo C. Quiboloy dahil sa mga kasong ibinasura na pero pilit na binuhay na muli.

Siya rin ang inatasan ng gobyerno para arestuhin si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte—isang hakbang na, ayon sa imbestigasyon ng Senado ay may malinaw na mga paglabag sa batas.

“He behaved like a criminal. So ibigay niyo na sa kaniya ‘yung PNP, PNP niya.”

“No one is impressed,” giit ni Mayor Baste.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble