Vloggers, kinuwestiyon ang malaking utang ng gobyerno para sa climate programs

Vloggers, kinuwestiyon ang malaking utang ng gobyerno para sa climate programs

UMANI ng batikos mula sa mga political vlogger ang halos 16 bilyong pisong utang ng gobyerno sa France bilang panlaban sa climate change.

Matagumpay na nakakuha ng concessional funding mula sa pamahalaan ng France ang Department of Finance.

Layon nitong mapabilis ang pagpapatupad ng mga hakbang ng Pilipinas kontra climate change.

Ang proyekto ay nagkakahalaga ng 250 million euros o 15.79 bilyong piso, bilang bahagi ng patuloy na kooperasyon ng dalawang bansa para sa klima at kalikasan.

Ayon kay Secretary Recto, patunay ito ng tiwala ng France sa Pilipinas at isang mahalagang hakbang para sa mas luntiang kinabukasan.

Pero para sa ilang political vloggers, tila hindi ramdam ng taumbayan ang benepisyo ng mga inuutang ng administrasyon lalo na kung walang konkretong epekto ang mga ito sa araw-araw na buhay ng mga Pilipino.

“Meron siyang iiwan. Eto, utang naman! Ang utang mo Marcos. umutang muli ang Pilipinas sa pagkakataong ito mula sa France umaabot sa 250 million Euro o humigit kumulang 15.8 billion,” ayon kay Coach Oli, Political Vlogger.

Ikinumpara rin ng vlogger ang halaga ng confidential funds ni VP Sara Duterte sa laki ng inutang ng Pangulo, na aniya’y mas malaki pa at mas kontrobersyal.

“Magkano ang confidential funds ni Sara?  125.000.000.  sa kanya 15.8 bilyon,” saad ni Coach Oli.

Ayon sa vlogger, kung tutuusin, ayuda lang umano ang maiiwang legasiya ni Marcos Jr. sa bansa.

“Nakita naman natin yung may podcast siya, para siyang gusto yung makipag-ayos, tapos nagmamadali na sila para sa… kasi 3 years na lang e. Wala siyang maiwang legacy. Anong maiwang legacy niya?  Ayuda.  Tapos yung mga… yung pinakamaganda na legacy niya na hindi ko talaga makakalimutan ito yung baha,” ani Pareng Rjay, Political Vlogger.

Giit nila, hindi makatarungang mangutang kung pansariling interes lang ang pinaglilingkuran.

‘’Okay yung utang. halimbawa negosyante ka uutang ka para mag-ni-negosyo ka.  O pwede rin naman uutang ka kasi may bibilhin kang property kasi yung property na yun you are expecting it to double.  parang negosyo mo yun.  E kung manungutang ka para sa coke, para sa luhu, para walang pakinabang pangit,” wika ni Coach Oli.

“Pero kung mangungutang ka tapos ibubulsa mo lang eh wala talagang makikita,” saad naman ni Master Judea, Political Vlogger.

Ayon sa Bureau of the Treasury matatag pa rin daw umano ang debt portfolio ng Pilipinas dahil karamihan dito ay long-term at may fixed interest.

Bureau of the Treasury:

“With economic fundamentals remaining sound, the country continues to enjoy strong market access at reasonable rates.”

Ayon sa Bureau of the Treasury, nananatiling matatag ang debt portfolio ng Pilipinas dahil karamihan sa mga utang ay pangmatagalan at may tiyak na interes.

“Ang tanong sa dami ng utang ngayon nito ano iyong maliwanag Katulad ngayon, mag tatag ulan na naman, ipa-fact check na naman kayo. Tapos pagbinalita namin, fake news peddlers kami pag nagbaha.  Kayo, gagawa kayo ng palpak tapos ayan niyo ibabalita namin,” dagdag ni Coach Oli.

Batay sa pinakahuling datos ng Bureau of the Treasury, pumalo na sa 16.75 trilyong piso ang kabuuang utang ng Pilipinas nitong Abril 2025.

Ito ang pinakamalaking utang na naitala sa kasaysayan ng bansa. Tumaas ito ng 68.69 bilyong piso kumpara noong Marso.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble