MARESOLBA na sana sa lalong madaling panahon ang mga kasong kinakaharap ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).
Mensahe ito ni Vice President Sara Duterte sa long-time friend ng kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ayon pa sa Pangalawang Pangulo, sana’y nasa magandang kalagayan ang Butihing Pastor at hindi na rin nagkakasakit.
Naibahagi na rin ni VP Sara na bumisita siya kay Pastor Apollo at napag-usapan ang naging resulta sa nagdaang May 2025 midterm elections.
Samantala, sinabi ni VP Sara na wala siyang ideya sa sinasabing Sara-Imee tandem sa 2028 elections.
Tugon ito ng Pangalawang Pangulo sa sinabi ni Sen. Robinhood Padilla na siya ang magsisilbing campaign manager ng dalawa pagdating ng susunod na halalan.
Nagulat pa aniya siya nang sabihin ito ni Padilla.