POSIBLENG magpatupad ng pisong dagdag-pasahe sa mga jeep sa susunod na linggo, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ito ay bunsod ng sunod-sunod na oil price hike dulot ng tensyon sa pagitan ng Israel at Iran.
Nilinaw ng ahensiya na flat rate lang ito at hindi madaragdagan sa mga susunod na kilometro.
Inaaral din ang petisyon para sa dagdag-pasahe sa mga provincial bus, pero kailangan pa ng kumpletong computation.