DAR at LBP pinagbabayad ng CA ng mahigit P28B halaga ng kompensasyon para sa Hacienda Luisita

DAR at LBP pinagbabayad ng CA ng mahigit P28B halaga ng kompensasyon para sa Hacienda Luisita

INUTUSAN ng Court of Appeals (CA) ang Department of Agrarian Reform (DAR) at Land Bank of the Philippines (LBC) na magbayad ng P28.4B bilang “just compensation” sa Hacienda Luisita para sa mahigit 4,500 ektaryang lupang isinailalim sa agrarian reform.

Sa desisyong pirmado ni Associate Justice Raymond Reynold Lauigan, binaliktad ng CA ang naunang ruling ng Tarlac RTC na pumapayag lamang sa P304M na kompensasyon at P167.4M na interes.

Giit ng CA, mali ang naging batayan ng local court at lumabag ito sa tamang proseso at ebidensiya.

Iginiit pa ng korte na ayon sa Konstitusyon, bawal kunin ng gobyerno ang pribadong ari-arian nang walang sapat na kabayaran.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble