Atty. Panelo: War on drugs, hindi krimen laban sa sangkatauhan

Atty. Panelo: War on drugs, hindi krimen laban sa sangkatauhan

SA gitna ng patuloy na imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa umano’y crimes against humanity kaugnay ng war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, iginiit ni dating chief presidential legal counsel Atty. Salvador Panelo na hindi ito dapat ituring na krimen.

“Alam mo, ever since, sinasabi natin na ‘yung war on drugs can never be crimes against humanity because it is a government program that was intended to dismantle, destroy an illegal drug traffic that not only destroys a society at the generation, the young generation na dumarating. Kaya talagang kailangan mong sirain ang iligal na droga sa Pilipinas. Hindi papasok iyon for or against humanity,” ayon kay Atty. Salvador Panelo.

Kasunod nito ay ipinahayag din ni Panelo ang kanyang suporta sa hiling ni Vice President Sara Duterte na mabigyan ng interim release ang dating pangulo mula sa ICC detention. Aniya, hindi raw ito akma sa kalusugan ng kanyang ama.

Higit pa sa usaping legal, dapat ding isaalang-alang ang edad at kondisyon ng dating pangulo sa pagdedesisyon kung mananatili ito sa ICC detention facility sa The Hague, Netherlands.

“Kasi nga alam natin na marami syang nararamdaman di lang isa ang nararamdaman, marami na siyang sakit, sakit ng ordinaryong 80-year old yung mga dati pa niyang kapansanan nakuha niya sa motorsiklo, kanyang Burglar’s disease, marami, marami siya. I don’t think na yung facility ng detention can provide him the medical needs na kailangan niya,” saad nito.

Matatandaang ipinanawagan ni Vice President Sara Duterte ang hirit ng defense team ni dating pangulong Duterte para sa interim release nito.

Ayon sa pangalawang pangulo, hindi na umano sapat ang mga pasilidad ng ICC para tugunan ang mga medikal na pangangailangan ng isang walumpung (80) taong gulang na bilanggo.

Samantala, wala pang pinal na desisyon mula sa ICC kaugnay sa hinihiling na interim release para sa dating pangulo. Patuloy pa ring pinananawagan ng mga kaalyado ni Duterte ang pagrespeto sa kanyang karapatang pantao.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble