TINATAYANG nasa 18% o 4.74 milyon ang bilang ng mahihirap na pamilyang Pilipino sa unang 6 na buwan ng 2021.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) mas mataas ito kumpara sa 16.2% o 4.04 milyon noong unang 6 na buwan ng 2018.
Ang poverty incidence among population naman noong January hanggang June nitong taon ay tinatayang nasa 23.7% o 26.14 milyon.
Ito ay higit na mas mataas kumpara sa kaparehong time period noong 2018 na nasa 21.1% o 22.26 milyon.
Ayon sa PSA, noong unang anim na buwan ng 2021, ang pamilyang may limang miyembro ay nangangailangan ng Php 12,082 on average para matustusan ang basic food at non-food needs sa isang buwan.