HUMINGI ng panalangin ang aktres na si Andi Eigemann at partner na si Philmar Alipayo dahil sa pagtama ng bagyong Odette sa Siargao, surfing capital of the Philippines kung saan nakatira ang aktres.
Si Andi na kasalukuyang naninirahan sa kanyang pamilya sa Makati ay nagpahayag ng kanyang pagkabahala para sa kanilang mga mahal sa buhay na nakabase sa Siargao.
Sa post ni Andie, ibinihagi nya ang mga kaganapan sa pamamagitan ng video at mga larawang kuha nito at ang post na humingi ng panalangin para sa Isla ng Siargao at iba pang lugar na sinalanta ng bagyo.
Labis na ikinalungkot ng aktres ang nangyari dahil anya marami na ang mga punong natumba sa tapat ng kanilang bahay at ang mismong bahay rin nila ay muntik ng wasakin ng bagyo.
Nag-aalala din si Andi para sa mga lokal na maaaring naiwang walang pagkain o bahay pagkatapos ng bagyo.
Samantala, ibinahagi din ni Philmar Alipayo na wala nang signal ng telepono sa Siargao habang humingi siya ng panalangin sa kanyang Instagram.
Matatandaang nag-landfall ang bagyong Odette na may International name na Rai sa Siargao Island, Surigao del Norte, bandang 1:30 ng hapon kahapon December 16.