Mahigit 200 national political aspirants, tanggal sa bagong tenative list ng Comelec

Mahigit 200 national political aspirants, tanggal sa bagong tenative list ng Comelec

MARAMI sa mga national aspirant ang hindi na nakapasok sa bagong tentative list ng Commission on Elections (COMELEC) ng mga kandidato para sa 2022 elections.

Naka-upload na ngayong Biyernes sa website ng Comelec ang pansamantalang listahan ng mga kandidato para national at local elections sa susunod na taon.

Sa inalabas nilang Certified List of Candidates, makikitang mahigit 200 aspirants para sa national post ang nalagas, malayong-malayo sa listahan noong Oktubre.

Sa 97 presidential bets, 15 na lang ang nakapasok; sa 28 vice presidential bets naman, 9 lang ang nanatili sa listahan; habang sa senatorial bets, mula sa 174 na bilang, 70 na lang ang natira.

Kasama pa rin sa listahan ang mga kilalang presidential aspirants na sina:

*Francisco “Isko” Moreno Domogoso
*Norberto Gonzales
*Leody de Guzman
*Panfilo Lacson
*Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
*Manny Pacquiao
*Leni Robredo

Kabilang sa mga kilalang presidential aspirants na natanggal sa listahan sina Senator Ronald “Bato” dela Rosa (PDP-Laban) at Senator Christopher “Bong” Go na parehong nag-withdraw ng kanilang kandidatura.

Hindi naman nakapasok si Former National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) spokesperson Antonio Parlade Jr. Ayon sa Comelec invalid ang kanyang pag-substitute kay presidential bet Antonio Valdes dahil hindi sila mula sa parehong political party.

Para sa mga bise presidente, nakalista ngayon sina:

* Lito Atienza
*Walden Bello
*Sara Duterte
*Willie Ong
*Francis “Kiko” Pangilinan
*Vicente “Tito” Sotto

Sa mga senatorial candidate naman, ang mga kilalang pangalan na kasama sa listahan ay sina:

* Herbert Baustista
* Greco Belgica
*Jejomar Binay
*Alan Peter Cayetano
* Neri Colmenares
*Leila De Lima
* Monsour del Rosario
*Chel Diokno
* JV Ejercito
*Francis “Chiz” Escudero

Nakapasok rin sa tentative list bilang senatorial candidates sina:

*Jinggoy Estrada
*Win Gatchalian
*Richard Gordon
*Gringo Honasan
*Risa Hontiveros
*Elmer Labog
*Rey Langit
*Loren Legarda
*Sonny Matula
*Leo Olarte
*Minguita Padilla
*Robin Padilla
*Salvador “Sal” Panelo
*Harry Roque
*Gilbert “Gibo” Teodoro
*Antonio Trillanes
*Raffy Tulfo
*Joel Villanueva
*Mark Villar
*Miguel Zubiri

Hindi na nakalista bilang senatorial candidate si President Rodrigo Duterte matapos itong mag-withdraw na kanyang candidacy noong Nobyembre.

Saad ng Comelec, ang bagong tentalive list ng mga kandidato para sa 2022 national at local elections ay batay sa paunang pagsusuri ng Certificates of Nomination, Certificates of Candidacy at Certificates of Nomination and Acceptance.

Dagdag ng poll body, maaari pa ring mabago ang nilalaman ng listahan bilang resulta ng anumang karagdagang pagsusuri at/o resolusyon ng Commission En Banc kaugnay nito.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez maaaring dalawa hanggang tatlong linggo pa ang hihintayin para maisapinal ang listahan ng mga kandidato.

Maaaring makita ang buong tentative list ng mga kandidato dito.

SMNI NEWS