NASA isang panalo na lang ang TNT Tropang 5G upang muling makapasok sa PBA Finals matapos talunin ang Rain or Shine, 108-92, sa Game 4 ng kanilang semifinals series sa PBA Philippine Cup kagabi sa MOA Arena.
Hawak na ng TNT ang 3-1 series lead, gaya ng nangyari sa kanilang mga naunang panalo kontra Elasto Painters sa Governors’ Cup at Commissioner’s Cup. Posible na nilang tapusin ang serye bukas at makuha ang tiket patungong finals — isang hakbang na lang patungo sa grand slam sa Season 49.
Sa kabila ng pagkaka-injury nina RR Pogoy at Kelly Williams, nagtulungan ang koponan para sa panalo. Umiskor si Jordan Heading ng 23 points, kasama ang tatlong tres at may anim na assist. Si Brandon Rosser ay nagpakitang-gilas sa kanyang 22 points at 11 rebounds, habang sina Glen Khobuntin at Calvin Oftana ay may tig-16 points.
Samantala, bumalik na sa starting lineup si June Mar Fajardo para sa San Miguel Beer at agad itong nagbunga ng magandang resulta. Tinalo ng Beermen ang Barangay Ginebra, 107-82, upang itabla ang serye sa 2-2.
Nakapaglaro si Fajardo ng halos tatlumpu’t dalawang (32) minuto at nagtala ng 12 points, 19 rebounds, at 3 assists para sa SMB na ngayon ay muling buhay na ang tsansa sa finals.
Tutukan ang kanilang susunod na laban kontra Rain or Shine bukas, alas singko ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.