Dedicated student lanes, ipinatupad sa MRT-3, LRT-2

Dedicated student lanes, ipinatupad sa MRT-3, LRT-2

BILANG tugon sa dumaraming bilang ng estudyanteng sumasakay sa tren araw-araw, naglatag ng dedicated student lanes ang Department of Transportation (DOTr) sa lahat ng istasyon ng MRT-3 at LRT-2.

Sa ilalim ng bagong sistema, may hiwalay nang pila ang mga kabataang benepisyaryo ng 50% fare discount, para hindi na maantala ang kanilang biyahe papunta at pauwi sa paaralan.

Sa LRT-1 naman na pinangangasiwaan ng Light Rail Manila Corporation, ipatutupad ang queuing system para sa mga estudyante upang mas maging organisado ang daloy ng pasahero at maiwasan ang siksikan sa mga istasyon.

Matatandaang inatasan ng DOTr ang mga rail line operators noong Hunyo na itaas mula 20% hanggang 50% ang student fare discount na ipatutupad hanggang 2028.

Layon ng mga hakbang na ito na matiyak ang mas ligtas, mabilis at maginhawang biyahe para sa mga kabataang Pilipinong umaasa sa pampublikong transportasyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble