ISANG Canadian artist naman ang magbabalik Pilipinas para sa isang 2-night concert.
Pakikiligin ni Elijah Woods ang Pinoy fans sa pamamagitan ng kaniyang ‘Give Me The Sunlight’ tour na magaganap sa SM Aura Premier, Manila this coming Hulyo 25.
At siyempre, para magkaroon din ng chance at Sunlight experience ang mga Cebuano ay tutungo rin siya sa IC3 Convention Center sa Cebu, this Hulyo 26.
Kung kaya ng iyong budget ang SVIP, well magkakaroon ka ng exclusive photo opportunity kasama ang singer at early access habang nagsa-soundcheck si Elijah.
Ang upcoming concert ni Elijah ay ikalawang pagkakataon ng pagbisita niya sa bansa matapos ang kaniyang ‘ilu 24/7’ concert noong 2024.