Mayor Isko Moreno ininspeksyon ang food boxes na ipapamahagi sa mga residente ng Maynila

Mayor Isko Moreno ininspeksyon ang food boxes na ipapamahagi sa mga residente ng Maynila

PERSONAL na binisita ni Manila City Mayor at presidential candidate Isko Moreno ang libo-libong food boxes na nakaimbak sa San Andres Coliseum sa Lungsod.

Aabot sa  700,000 food boxes ang nakaimbak ngayon sa San Andres Coliseum kung saan ipamamahagi ito  ng Department of Public Service (DPS) sa lungsod ng Maynila.

Bawat isang food boxes ay may lamang tatlong kilong bigas, 16 delata at anim na kape.

Ngayong araw, sabay-sabay na ipapamahagi ang nasabing mga food boxes sa anim na distrito sa lungsod.

Ibaba ito sa kada Barangay Hall kung saan ang mga opisyal ng barangay ang mangunguna sa pamamahagi.

Ang pamamahagi ng Food Security Program boxes ay kasunod ng pagsisikap ng lokal na pamahalaan ng Maynila para maiwasan ang hawaan ng COVID-19 at ibang variant nito sa bawat Manilenos.

Follow SMNI News on Twitter