MULING in-appoint ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Director General Gerald Bantag bilang hepe ng Bureau of Corrections (BuCor).
Uupo ng anim na taon si Bantag sa ilalim ng BuCor Act 2013.
Sa mga nabakanteng posisyon naman ni Secretary Karlo Nograles, sinabi ni Martin Andanar na wala pang naibibigay sa Malakanyang na listahan ng mga pangalan sa magiging bagong cabinet secretary at co-chair ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.
Hindi pa din alam ng palasyo kung sino ang susunod na maging chairperson ng Task Force on Zero Hunger na naiwan ding posisyon ni Nograles.
Sa huli, nagpasalamat si Andanar kay Nograles sa epektibo aniyang pagganap nito bilang acting presidential spokesperson.
Mababatid na opisyal nang nanumpa kay pangulong Duterte si Nograles bilang bagong chairperson ng Civil Service Commission (CSC).
Samantala, inihayag ng Malakanyang na aabangan na lamang sa susunod na mga araw ang magiging desisyon ng pangulo hinggil sa pagtatalaga ng mga bago pang opisyal ng pamahalaan.