LABING-ISANG senatorial candidates ang tumanggap sa hamon ng SMNI para sa ikalawang yugto ng Senatorial Debates na gagawin sa Okada Manila.
Ilan sa mga ito ay first timers at dating miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kabilang na rito si Former Agriculture Sec. Manny Piñol na tumatakbo sa ilalim ng Lacson-Sotto tandem.
Kumasa rin sa hamon si Presidential Anti-Corruption Commission Chairman Greco Belgica.
Umaasa naman na makakabalik sa pagiging senador ang dating kalihim ng Information and Communication Technology na si Gringo Honasan.
Bibida rin si dating Energy Undersecretary Astra Pimentel sa SMNI Senatorial Debates ngayong gabi.
Pero maliban sa kanila, nandiyan rin ang mga first time na tatakbo sa pagkasenador na sina Jess Arranza, Fernando Ding Diaz at Dr. Minguita Padilla.
Kumasa rin sa hamon si JV Ejercito na minsan ng nanalo sa pagkasenador at si Ms. Nur Mahal Kiram.
Samantala, muling babalik sa Round 2 ng debate sina Atty. Salvador Panelo at Cong. Dante Marcoleta.