Intel ni Lacson at impormasyon ni ‘Ka Eric’ sa infiltration ng NPA members sa kampanya, nagtutugma

Intel ni Lacson at impormasyon ni ‘Ka Eric’ sa infiltration ng NPA members sa kampanya, nagtutugma

INIHAYAG ni Senator Ping Lacson na nakababahala ang impormasyon mula sa dating cadre ng New People’s Army (NPA) na may ilang mga miyembro ng legal front ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang tila nakapag-infiltrate sa kampanya ni presidential candidate Vice President Ma. Leonor “Leni” Robredo.

Ayon kay Lacson, nagtutugma ang impormasyon na sinabi ni Jeffrey “Ka Eric” Celiz sa mga impormasyong nakalap ng Intel niya.

Pinapatungkulan ni Lacson ang ibinigay na impormasyon ni Celiz na may mga miyembro ng CPP at “legal front” nito na nagpunta sa rally ni Robredo sa Cavite noong Marso 4.

Ayon sa video ni Celiz sa social media, nakatanggap siya ng text na nagsasabing may mga miyembro ng CPP legal fronts na dinala sa Cavite at Rizal at may budget na P500 kada tao para sa mga dadalo.

Dahil sa mga naturang impormasyon, binigyang diin muli ni Lacson ang kanyang babala sa lahat na mag-ingat sa isang gobyerno na posibleng magkaroon ng koalisyon sa CPP-NPA-NDF.

BASAHIN: Kampo ni VP Leni, itinangging may bayaran sa kanyang campaign rallies

Follow SMNI News on Twitter