ISANG daang porsyentong mas lalakas ang UniTeam matapos i-endorso ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) si presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Ito’y ayon kay Hugpong ng Pagbabago Sec. Gen. Anthony del Rosario sa panayam ng SMNI News.
Marami pa kasi aniya ang mga miyembro ng PDP-Laban ang nag-aantay sa desisyon ng kanilang pinuno para sa kanilang susuportahan ngayong halalan.
At kamakailan, pinal nang inendorso ng ruling party PDP-Laban si BBM.
Tiniyak din ni Del Rosario na mananatiling si Bongbong Marcos ang kanilang susuportahang presidente kahit may ibang partibo ang nagpahayag ng suporta kay vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte.