MAGPATUTUPAD ng ban sa crypto payments ang Thailand.
Inihayag ng Thailand Security and Exchange Commission (SEC) na magpatutupad na ito ng ban sa paggamit ng crypto bilang pambayad mula Abril 1.
Ayon sa regulator may ilang money laundering concerns ang Central Bank.
Binigyang diin ng Thai SEC na hindi ito ban sa crypto trading at digital assets kundi ban lamang sa crypto payments.
Noong Enero ay inanunsyo na rin ng gobyerno na plano nitong i-regulate ang digital asset payments sa bansa.
Ayon sa huling anunsyo ng Thai SEC, hindi nagpapaunlad ang digital assets ng transaksyon sa payment market dahil sa volatility at mataas na transaction fees nito.
Samantala, una nang inanunsyo ng mga awtoridad noong Marso na ang crypto trade sa gobyerno ay exempted sa 7% value added tax hanggang 2023.