Iba pang dawit sa data breach ng Smartmatic, inilahad ng dating empleyado

Iba pang dawit sa data breach ng Smartmatic, inilahad ng dating empleyado

NAKAPAGBIGAY na ng sworn affidavit ang dating empleyado ng Smartmatic na naglabas ng laptop ng software provider na naging dahilan para diumano magkaroon ng data breach.

Ayon kay Senate President Tito Sotto III, ito ang bagong development sa kanilang isinasagawang pagdinig patungkol sa Smartmatic- ang software contractor ng Commission on Elections (COMELEC) para sa 2022 Elections.

Matatandaan na ayon kina Sotto, nagkaroon ng data breach sa sistema ng Smartmatic matapos ilabas ng isang dating empleyado ang laptop ng kumpanya.

Ang impormasyon na ito ay lumabas matapos ang executive session na ginawa ng Senate Panel kasama ang National Bureau of Investigation (NBI), Department of Information and Communications Technology (DICT), Smartmatic at COMELEC.

Sa affidavit ng empleyado ay nakapagbigay ito ng iba pang pangalan na dawit sa breach ayon kay Sotto.

Maging ang petsa at lugar kung saan nangyari ang breach ay naisulat na nito.

Ayon kay Sotto ang mga naturang impormasyon ay importante sa ginagawang pagdinig ng mga otoridad partikular ng NBI.

Sa ngayon ayon kay Sotto nasa kustodiya ng NBI ang naturang empleyado.

“The welcome development is that the [National Bureau of Investigation] has investigated him already. He has given names, dates and places, he has a sworn affidavit already,” ani Sotto.

Matatandaan naman na kamakailan sinabi ni COMELEC Chairman Saidamen Pangarungan na ang mga data na na-leak ay walang kinalaman sa 2022 National and Local Elections.

BASAHIN: Data leak, walang kinalaman sa 2022 election ayon sa Smartmatic

Follow SMNI News on Twitter