PINAIIWAS muna ng Department of Health (DOH) ang publiko sa paghalik sa mga poon at santo ngayong darating na Semana Santa.
Paalala ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang COVID-19 ay naililipat sa pamamagitan ng droplets.
Dahil dito, ipinanukala ng ahensya na ipagbawal ang paghalik sa mga religious statues para maiwasan ang muling pagtaas ng mga kaso.
Samantala, hindi rin inirerekumenda ng DOH ang nakaugalian ng mga deboto na pagpapapako sa krus.
Bagama’t naiintindihan aniya ng DOH ang paniniwala ng bawat indibidwal, sinabi ni Vergeire na ilan sa maaring panganib nito ay tetano, impeksyon sa sugat at maaring magdulot ito ng pagkawala ng dugo.