Immigration ng Malaysia, nilinaw ang dahilan ng pagsisikip ng mga pasahero sa KLIA

Immigration ng Malaysia, nilinaw ang dahilan ng pagsisikip ng mga pasahero sa KLIA

NILINAW ng Immigration Department sa bansang Malaysia ang dahilan matapos magsikip at humaba ang pila ng mga manlalakbay sa paliparan ng Kuala Lumpur sa ikatlong araw ng pagbubukas ng border nito.

Sa isang post sa Facebook, sinabi ng Malaysia Immigration na ang naturang congestion sa paliparan ay sanhi ng ilang dayuhang manlalakbay na hindi anila nag fill-in ng travellers form sa my sejahtera mobila application bago pa nagplanong pumasok ng bansa.

Dahil dito, minarapat ng ilang kawani ng Immigration Department na tulungan at turuan ang ilan sa mga biyahero na naging dahilan ng pagkaantala at pagsisikip sa arrival hall ng Kuala Lumpur Airport.

Bilang paglilinaw, sinabi ng ahensya na hindi totoo na tatlong counter lamang ang nag-operate noong araw na nangyari ang insidente.

Anila may 26 na Immigration counter ang kasalukuyang nag o-operate habang fully operational din ang lahat ng automated counters sa KLIA.

Matatandaan na may ilang pasahero ang nagreklamo matapos magsikip sa arrival hall ng Kuala Lumpur Airport habang ilang pasahero rin ang di umano’y nagsabi na 3 Immigration counter lamang ang binuksan ng ahensya.

Gayunpaman, malugod namang ipinapaalam ng Malaysia Immigration na ang naturang pagsisikip ay natugunan na sa pakikipagtulungan ng KLIA kabilang ang Ministry of Health, Malaysia Airports at mga Airline company.

Follow SMNI NEWS in Twitter